ikaw na tanging tinatangi ko…

Sa pagtatanto ko
Aking napag-alaman
Na ang puso pala’y
di nakakakilala ng
Mukha ng minamahal
Tanging ang pagtibok
Ng nakalaang kahati nito
para sa kanya
Pilit mang ipag-utos
Ng isipan ang nararapat
Puso’y nananadyang
Manubok ng pagmamahal
Ng pagsintang tangi lamang
Nitong maaaring ipadama.

Hindi tungkulin ng isipan
Ang magmahal at umibig
Tanging puso lamang
Ang siyang nagtatangi
Gaano man ito katanga
Hindi nakakakilala ang
puso ng mukha ni ng
hubog ng minamahal
Hinahayaan lamang nitong
Tumibok sa nakatakdang
Taong nararapat na
Magmumulat sa kanya mula
Sa mahabang pagkakaidlip
ng emosyong naghihintay
Ng nilalang na labis
ring naghihintay
kagaya niya.

Note: Alam ko super cheesy ang tulang yan.. heehehehe.. a girl’s born romantic.. haay.. i made this when i was in college, i think that was a poem i wrote for my “ex” while we were having lunch in a kubo tambayan  at school

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s